BAWAS-TRAPIKO | Provincial bus terminals sa EDSA, planong tanggalan ng business permits

Manila, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patanggalan ng business permits ang mga provincial bus terminals sa kahabaan EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, magiging malaking kaluwagan ang pag-aalis sa mga provincial bus terminals sa EDSA dahil malilinis nito ang mga choke points rito.

Sabi ni Garcia, may hawak silang sulat na aprubado ng Malacañang ang kanilang plano.


Aniya, bibigyan nila ng kopya nito ang mga LGU para pagbigyan ang kanilang hiling na pagtanggal sa permit ng mga terminal.

Paglilinaw naman ni Bong Nebrija, hepe ng MMDA Task Force Special Operations, hindi naman bibiglain ang implementasyon ng total ban sa provincial buses sa edsa.

Target itong ipatupad ng MMDA Enero ng susunod na taon.

Facebook Comments