Valenzuela City – Simula sa Abril 2, hindi na papayagang makadaan pa ang mga truck mula Maysan Street hanggang General Luis Road at vice versa pagpatak ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at tuwing alas 5 ng hapon hanggang alas 10 ng gabi.
Hindi naman ipatutupad ang truck ban tuwing araw ng Linggo at holiday.
Ito ay ayon sa Valenzuela traffic ay alinsunod sa Executive Order 2018- 016 o Implementing Truck Regulation sa boundary ng Caloocan City at Mac Arthur Highway sa Valenzuela City.
Ang mga mahuhuling lalabag sa truck ban ay parurusahan alinsunod sa section 7 ng Valenzuela City Ordinance 113 Series of 2014.
Facebook Comments