BAWAS-TUBIG | Ipo dam, nagpakawala na rin ng tubig!

30

Nagpakawala na ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan makaraang umaakyat sa 101.69 meter ang water level sa dam.

Ayon sa Bulacan PDRRMO, alas 10 ng umaga nang magsimula silang magpakawala ng 61.30 cubic meter per sec, dahil lumambas na ang lebel ng tubig sa 101 spilling level nito.

Ang tubig na pinakawalan ng Ipo Dam ay bababa sa Bustos Dam, na nauna na ring nagpakawala ng tubig.

Dadaanan naman sa Plaridel, Baliuag, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan at Malolos, Bulacan, ang tubig na magmumula sa Bustos Dam.

Samantala, ang water level naman sa Angat Dam ay nasa 207.5 meters pa lamang, malayo pa sa spilling level na 212 meters na spilling level.

Facebook Comments