BAWAS VAT BILL | Mga proyekto ng gobyerno na popondohan ng TRAIN law, hindi maaapektuhan

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Riza Hontiveros na bahagya lamang ang epekto sa mga proyekto ng gobyerno sakaling maisabatas ang isinusulong niyang Senate Bill 1671 o “Bawas VAT” Bill na naglalayong saluhin ang epekto ng Train Law sa mga bilihin.

Ang reaksyon ng senadora ay kasunod ng pangambang posibleng mabawasan ang 90-billion pesos na pondo ng gobyerno na makukuha sa TRAIN Law.

Sa interview ng RMN, binigyan diin ni Hontiveros na maaari namang hanapan ng gobyerno ng ibang pagkukunan ng pondo.


Aniya, sa loob ng isang taon, mas malaki ang maitutulong ng “Bawas VAT” Bill sa mahihirap.

Kung maaaprubahan ang nasabing panukala, bababa na lang ng 10 percent ang VAT, pero mangyayari lang ito kung aabot o lalampas sa 4.5 percent ng Gross Domestic Product ng bansa.

Nais ng senadora na ipantay ang tax system ng bansa sa ASEAN Region.

Facebook Comments