BAWASAN | Continuing professional development trainings sa mga nurses, hiniling na babaan ang singil

Manila, Philippines – Hinimok ni Asst. Minority Leader Neil Abayon ang Commission on Higher Education na gawan ng paraan na maging abot kaya sa lahat ng mga Filipino nurses ang Continuing Professional Development.

Layon ng CPD na i-update ang training requirements para sa renewal ng lisensya ng mga nurses.

Pero ayon kay Abayon, ang mga nagpo-provide ng CPD trainings ay karamihan ay mula sa mga private firms at private associations dahilan kaya mahal ang pagkuha nito.


Iilan lamang sa mga nurses ang nakakakuha ng CPD dahil sa kamahalan ng presyo at kakaunti lamang na mga government institutions at state universities and colleges ang may alok na CPD trainings.

Dahil dito, hiniling ni Abayon sa CHED na babaan ng mga SUCs ang singil sa Continuing Professional Development upang dumami ang mga nurses na kukuha ng trainings.

Facebook Comments