Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunication companies na bawasan ang kanilang interconnection charge o ang bayad sa pagte-text o pagtawag sa ibang network.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, mula P0.15 na singil sa text messages, ibinaba na lang ito sa P0.05 kada text.
Ginawa namang P0.50 na lang kada minuto ang tawag, mula sa dating P2.50 kada minuto.
Pagtitiyak naman ni Cabarios, base sa kanilang pag-aaralan maliit lang ang magiging epekto sa kita ng mga telco ang bawas sa kanilang interconnection rate.
Aniya, mas importante pa rin kasi ang matitipid ng mga subscriber.
Epektibo ang desisyon ng NTC, 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.
Habang ang mga telcos ay may 20 para ipatupad ito.