BAWI | Commission on Audit, pinababalik sa LWUA ang iligal na nakuhang 70 milyong pisong benipisyo

Manila, Philippines – Pinababalik ng Commission on Audit (COA) mula sa dating mga opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang mahigit P70 milyong benipisyong iligal nilang nakuha mula sa ahensya.

Ibinasura ng COA ang mga petition for review ng mga dating opisyal ng LWUA at pinagtibay ang limang notice of disallowance na inilabas mula September 2013 hanggang April 2015.

Kaugnay ito ng mga hindi otorisadong meal allowance, hospitalization at iba pang medical benefits.


Paliwanag ng COA, ang allowance para sa meals at hopsital benefits ng mga empleyado ng gobyerno ay bahagi na ng kanilang standardize salary kaya hindi na sila dapat mag-claim nito.

Facebook Comments