Bayad para sa employment certifications ng mga OFW, pinalilibre ni PBBM

Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Migrant Workers (DMW) na pag-aralan kung papaano gagawing libre ang ang pagkuha ng Overseas Employment Certifications ng mga Overseas Filipino Workers.

Ginawa ng pangulo ang direktiba sa pakikipagpulong nito sa mga kinatawan mula sa DMW, Bureau of Immigration (BI), and Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Palasyo ng Malacañang.

Sa pagpupulong, iprinesenta ng DICT Ang bagong DMW Mobile App.


Sinabi raw ni Secretary Susan Toots Ople na naghihintay na lamang sila ng approval mula sa DICT para sa opisyal na paglulunsad ng DMW mobile app na layunin ay mapalakas pa ang kanilang cyber security features.

Malaking bagay raw ito para para sa Overseas Employment Certifications o OEC.

Naniniwala ang Presidential Communications Office (PCO) na ang DMW mobile ay epektibong digital solution.

Facebook Comments