Bayad sa doktor ng mga mahihirap na pasyente, sasagutin na ng PCSO

Inihayag ngayon ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na sasagutin na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang professional fees ng mga doktor na ang mga pasyente ay mahihirap.

Ayon kay Tulfo, resulta ito ng pakikipagpulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr.

Ang nabanggit na pulong ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maghanap ng mga paraan upang mapag-ibayo ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.


Facebook Comments