Bayad sa renta ng paupahan, tataas na rin

Manila, Philippines – Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa publiko na magtataas ng renta sa mga paupahang bahay kapag naipatupad na ang tax reform package ng Duterte administration.

Paliwanag ni Zarate, sa ilalim ng House Bill 5636 o tax reform for acceleration and inclusion o train bill ay inaalisan ng VAT exemption ang renta sa bahay na mas mababa sa sampung libong piso kada-buwan.

Ang 12% na VAT na patong sa renta sa bahay ay magiging katumbas ng 12,000 pesos sa loob ng isang taon.


Ito aniya ay mabigat na para sa mga nangungupahan.

Base sa datus ng HUDCC, 1.5 Million ang mga pamilyang nangungunahan sa buong bansa kung saan 30% nito ay nangungupahan sa Metro Manila.

Kapag hindi nabago ang ganitong mga probisyon ay mababalewala din ang mas mababang income tax na ibibigay sa mga manggagawa sa ilalim ng tax reform.
DZXL558

Facebook Comments