BAYAMBANG AT CALASIAO, TUMANGGAP NG SPECIAL AWARD BILANG PAGPAPANATILI NA DRUG CLEARED BARANGAY NITO

Pormal nang tinanggap ng Municipal Anti-Drug Abuse Council Bayambang ang 2020 Anti-Drug Abuse Council Special Award mula sa DILG, Dangerous Drugs Board, at Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang parangal na ito ay bilang pagkilala sa mga aktibidad ng LGU upang tulungang masawata ang paggamit ng ilegal na droga sa bayan ng Bayambang at manatiling drug-cleared ang lahat ng barangay mula 2017 hanggang 2019.

Samantala, tinanggap din ng Local Government Unit ng Calasiao ang pagkilala mula sa DILG para rin sa progry nitong Anti-Drug Abuse Council (ADAC) sa mabisang pagsasakatuparan ng mga tungkulin at responsibilidad sa pagdaragdag ng paghimok ng National Government sa paglaban sa iligal na droga.


Ang SPECIAL AWARD ay ibinigay sa LGU Calasiao para sa pagpapanatili ng kanyang Drug Cleared Status sa mga Drug Affected Barangays mula taong 2017 to 2019 sa ADAC Performance Awards 2020.

Tiniyak naman ng dalawang pamahalaang lokal ang pagsiguro sa paglaban sa mga iligal na gawain partikular sa mga barangay na nakikitaan pa ng presensya ng droga

Facebook Comments