Pormal nang binuksan kahapon, Agosto 25, ang bagong Central Terminal at Bagsakan Market sa Bayambang sa pamamagitan ng isang seremonya na dinaluhan ng mga opisyal, stakeholders, at mamamayan.
Matatagpuan malapit sa Pangasinan State University-Bayambang Campus, ang mga bagong pasilidad ay inaasahang magpapabuti sa daloy ng pampublikong transportasyon at magpapasigla sa lokal na kalakalan.
Ang terminal ay magbibigay ng mas organisadong sistema para sa mga pampasaherong sasakyan, habang ang Bagsakan Market naman ay magsisilbing pamilihan ng murang gulay, prutas, at iba pang bilihin na direktang mula sa mga magsasaka.
Kasabay ng pagbubukas, isinagawa rin ang isang open forum upang talakayin ang mga patakaran sa operasyon, kabilang ang itinakdang oras mula 6:00 PM hanggang 7:00 AM at ang P60 bayad bawat pwesto upang matiyak ang maayos at patas na paggamit ng espasyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









