BAYAMBANG CHILD DEVELOPMENT WORKERS, SUMALANG SA SEMINAR/TRAINING SA CDW REGIONAL CONVENTION

Sumalang sa isang seminar/training ang mga kawani ng Child Development Workers o CDW ng bayan ng Bayambang matapos nilang dumalo sa Child Development Worker Regional Convention na ginanap sa Baguio City.
Ang naturang convention ay parte ng 2023 National Child Development Workers Week celebration, na may temang, “Child Development Workers: Katuwang ng Pamayanan sa Paghubog sa Batang Maka-Diyos, Makabayan, Makatao, at Makakalikasan.”
Nasa pitumpu’t limang CDWs galing sa mga barangay at dalawa namang Municipal CDWs ang dumalo sa naturang convention at sa pangunguna naman Focal Person on Child Development Marvin P. Bautista ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Tatlong araw na seminar/training na base sa pinakabagong kaalaman ukol sa child development service ang isinagawa na siyang nakapag-dagdag kaalaman sa mga dumalo.
Nagkaroon rin ng awarding ceremony para sa mga may matagal nang length of service na child development workers. |ifmnews
Facebook Comments