BAYAMBANG NAKAPAGTALA NG 8 SUICIDE CASES; MENTAL HEALTH SUMMIT, ISINAGAWA

Isinagawa ang isang summit ukol sa Suicide Awareness and Prevention ang inorganisa ng Local Youth Development Office (LYDO) sa bayan ng Bayambang.
Dinaluhan ito ng mga estudyante ng Pangasinan State University-Bayambang campus, Bayambang National High School, St. Vincent’s Catholic School of Bayambang Inc, miyembro ng Sangguniang Bayan at representante ng bawat departamento mula sa munisipyo.
Ayon kay Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, ang LGU Bayambang ay nakapagtala ng 8 suicide cases ngayong taon, at ito rin ang pinakamataas mula 2016.
Siniguro ng lokal na pamahalaan na mayroong programang nakalaan para sa lahat upang maiwasan ang pagkitil ng sariling buhay ng sinuman.
Ibat-ibang usapin ang tinalakay sa nasabing summit at nagkaroon din ng open forum ang mga kalahok upang matulungan ang mga ito sa nasabing usapin.
Facebook Comments