Thursday, January 29, 2026

BAYAMBANG POLICE STATION, PINARANGALANG BEST MUNICIPAL POLICE STATION SA PNP DAY 2026

Kinilala ang Bayambang Police Station bilang Best Municipal Police Station (Class A) sa buong bansa sa ginanap na PNP Day 2026 sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.

Tinanggap ng Bayambang Police Station ang nasabing parangal bilang pagkilala sa pangkalahatang performance ng kanilang yunit, kabilang ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, epektibong pagpapatupad ng batas, at mga programang nakatuon sa kaligtasan ng komunidad.

Ayon sa pamantayang ginamit sa pagpili, isinasaalang-alang ang crime prevention efforts, police operations, administrative efficiency, at ugnayan sa komunidad.

Ayon sa Bayambang Police Station, ang pagkilalang ito ay resulta ng kolektibong pagsisikap ng buong hanay ng kapulisan sa kanilang araw-araw na tungkulin sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments