Bayan-Aklan, dismayado sa mga pangako ni Pres. Duterte

Aklan, Philippines – Bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ay nagsagawa nga kanilang pag martsa ang miyembro ng Bayan Aklan sa Kalibo.
Itong pagtipon tipon ng nasabing grupo ay para na ipaabot kay Pangulong Duterte ang kanilang pagkadismaya sa kanyang pag-upo sa gobyerno dahil sa mga pangako na hindi natupad.

Ipinagsisigawan nila na hindi nila nadama ang tulong ni Pangueong Duterte katulad nga kanilang hirap sa pamumuhay.
Umabot sa higit kumulang isang daan ang dumalo sa nasabing pag martsa dala-dala ang kanilang plakard na may sulat na “No to Martial Law”, “Pabahay hindi Demolisyon”, “Walang Pagbabago” at iba pa.

Kasama rin sa nasabing pag martsa ang grupong Kadamay, Anakbayan, Pamalakayan, Panguma, Gabriela at Rise-Up Aklan.


Facebook Comments