Itutulak sa darating na 19th Congress ang isang stimulus measure para sa muling pagbangon ng bansa mula sa pandemya sa ilalim ng bagong administrasyon ni presumptive President Bongbong Marcos.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang stimulus bill ay tatawaging Bayan Bangon Muli o BBM Bill na initials naman ni Marcos.
Ang BBM Bill ay kahalintulad lamang ng naunang Bayanihan Law maliban sa pinalitan lang ang pangalan.
Paliwanag ni Romualdez, ang BBM Bill ay makakatulong sa papasok na administrasyon na gamitin ang natitirang resources para pasiglahin at palakasin ang ekonomiya ng bansa.
Paliwanag naman dito ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, ang naturang panukala ay magkakaloob ng special powers sa susunod na pangulo upang bigyan ng “flexibility” sa paggamit ng 2022 budget partikular sa pagtugon sa pandemya.