
Hinamon ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang bagong liderato ng Senado kasabay ng pagdinig sa panukalang pondo ng Office of the President (OP).
Ayon sa Bayan, ang protesta ay laban sa umano’y malawakang katiwalian sa ilalim ng Marcos administration na anila’y pinapalala ng pakikipagsabwatan ng ilang mambabatas, senador at malalaking kontraktor.
Iginiit ng grupo na dapat managot si President Marcos Jr. sa umano’y “pork barrel-infested budget,” mga budget insertions, at paglalaan ng mas malaking confidential funds na siya lamang ang may kontrol.
Samantala, aminado rin ang naturang grupo na hindi matatapos ang korapsyon hanggat walang napapanagot at walang napaparusahan na matataas na opisyal.
Umabot naman sa mahigit 100 ang nagtungo sa harap ng Senado para sa nasabing pagtitipon.









