Manila, Philippines – Hiniling nina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate sa Manila Electric Company (Meralco) na magpakita ng delicadeza.
Iginiit nila na alisin ng Meralco ang mga subsidiary at kaanib ng generation company nito para sa ‘bidding’ ng power supply agreements.
Ito ay upang makasiguro na makakamit ng publiko ang mababang bayarin sa kuryente mula sa mga power suppliers.
Ayon kay Colmenares, lumitaw noon sa Congressional inquiry na ang Meralco gencos na sumali sa bidding ay kapareho din ng na-discredit na gencos na nakipag-negosasyon sa PSAs sa kanilang parent firm na Meralco na nagpapasa ng dagdag at sobrang singil sa kanilang mga consumers.
Dahil sa desisyon ng Korte Suprema, naapektuhan ang pitong Meralco PSAs na ibinigay ng distribution utility ng walang Competitive Selection Process noong April 2016.
Ang babala ay ginawa ng grupo bilang tugon sa ipinahayag ni Meralco President Ray Espinosa na nakahanda itong sumunod sa utos ng Korte Suprema.
Gayunman, posibleng magpabagal umano ito sa konstruksiyon ng kanilang 1,200-megawatt coal fired power plant sa bayan ng Atimonan, probinsya ng Quezon.
Dahil sa Supreme Court ruling, naapektuhan ang pitong Meralco PSAs na ibinigay ng distribution utility ng walang Competitive Selection Process noong April 2016.