Bayan Muna, hiniling sa Korte Suprema na ipa-refund sa Maynilad at Manila Water ang corporate income tax na ipinataw sa consumers

Naghain ang Bayan Muna ng motion for partial reconsideration sa Supreme Court (SC) na humihiling na atasan ang Maynilad at Manila Water na i-refund ang corporate income taxes na pinataw nito sa consumers.

Ito ay bagama’t nagpalabas na noon ng ruling ang Korte Suprema na nagsasabing paso na ang pag-claim ng refund.

Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, nalungkot sila sa pahayag ng SC na hindi na maaaring humingi ng refund ang consumers dahil dapat daw ay noon pa sila nag-file sa National Water Resource Board (NWRB).


Pero umaasa aniya sila na i-re-reconsider ng Kataas-Taasang Hukuman ang naunang desisyon nito.

Iginiit din ni Colmenares na ang public utility ay hindi maaaring magpataw sa consumers ng kanilang corporate income tax.

Facebook Comments