Kasado na ang gagawing kilos-protesta ng grupong Bayan Muna sa harap ng embahada ng China sa Makati City kasabay ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay CJ Despuez, opisyal ng Bayan Muna, itatampok ang isang malaking lambat kung saan nakasulat ang pagkondena nila laban sa pananakop ng China sa West Philippine Sea at panggigipit sa mga Pilipinong mangingisda.
Panawagan ng Bayan Muna sa China, umalis na sa West Philippine Sea.
Sabi pa ni Despuez, lalahok din sila sa motorcade na magmumula sa tatlong assembly points, kabilang ang University of the Philippines sa Diliman hanggang makarating sa tanggapan ng Chinese Embassy sa Makati.
Mag-uumpisa ang kanilang protesta alas-8 ng umaga at inaasahang matatapos bandang alas-11 ng umaga.
Facebook Comments