Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, iginiit na malaking banta na sa kanilang buhay ang red-tagging ng pamahalaan

Nababahala si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate sa kanilang buhay kasunod ng patuloy na red-tagging at terrorist-tagging sa kanila ng pamahalaan.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Zarate na malaki ang implikasyon sa kanilang kaligtasan ng red-tagging sa kanila ng gobyerno.

Paliwanag ni Zarate, maikokonsiderang “hate crime” ang ginagawa sa kanila dahil ine-engganyo na gumawa ng masama ang mga makakarinig nito laban sa mga miyembro ng progresibong grupo at malaking panganib ito hindi lamang sa kaligtasan nila at ng kanilang pamilya kundi pati na rin sa kanilang buhay.


Dagdag ng kongresista, ilang beses nang napatunayan na nalalagay sa panganib ang kanilang buhay katulad ng mga human rights defenders na pinaslang noon dahil sa kanilang pagiging kritiko ng pamahalaan.

Facebook Comments