*Cauayan City, Isabela*-Pumalo na sa 26 barangay mula sa 12 bayan sa Isabela ang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, naidagdag sa mga apektadong bayan ay ang Reina Mercedes, Echague at San Pablo sa Isabela.
Sinabi pa ni Naui na may pinakamarami pa ring naitalang kaso ng ASF sa Bayan ng Roxas matapos magpositibo ang 7 barangay na kinabibilangan ng Bantug, San Antonio, Villa Concepcion, Malasin at pinakahuling naidagdag ang Muñoz East, Simimbaan at Vira.
Pumapangalawa naman ang bayan ng Mallig na may 6 na barangay ang apektado ng ASF na kinabibilangan ng Rang-ayan, Bimmonton, Casili, San Jose, Victoria at Centro Uno.
Nananatili pa rin ang ilang mga bayan na apektado ng ASF gaya sa bayan ng Quezon, Quirino, Aurora, San Manuel, Gamu, Cordon at Jones.
Umaabot naman sa mahigit 1,000 mga alagang baboy na isinailalim na sa depopulation o pagbaon at pagpatay sa mga ito.