Bayan ng Alicia sa Isabela, Isinailalim sa ‘Extreme Enhanced Community Quarantine’ dahil sa COVID-19

1224

*Cauayan City, Isabela*- Isinailalim na sa Extreme Enhanced Community Quarantine ang buong Bayan ng Alicia sa Isabela at total lockdown ang Brgy. Mabini matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong mag-anak na may travel history.

Ayon kay Municipal Mayor Joel Alejandro, ito ay bahagi ng paghihigpit sa mga papasok at lalabas ng kanilang bayan upang mapangalagaan ang kapakanan ng iba pang residente sa banta ng nakamamatay na sakit.


Sinabi pa ng alkalde na may dinaluhan pang kasal sa kalakhang maynila ang mag-anak bago umuwi sa Isabela hanggang sa makaramdam ng pag uubo at sipon ang 52 anyos na ginang.

Matatandaang kabilang ang tatlong mag-anak sa karagdagang positive cases sa COVID-19 sa buong rehiyon maging ang 7 linggong buntis matapos magkaroon ng pagbiyahe sa kalakhang maynila.

Sa ngayon ay inalerto na ng alkalde ang buong pwersa ng kapulisan sa pagbabantay sa mga entry at exit point para hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.

Facebook Comments