*Cauayan City, Isabela*-Pormal nang idineklara ng Phillipine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 02 ang bayan ng Angadanan, Isabela na ‘Drug Cleared Municipality’ matapos makumpleto ang mga dokumento at naipasa ang isinagawang validation ng oversight committee ng nasabing ahensya.
Una rito, dinaluhan ito nila dating Mayor Lourdes S. Panganiban at kasalukuyang Vice Mayor Diosdado Siquian at mga opisyal ng barangay ang katatapos na pagdedeklara kaninang umaga sa nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Joelle Mathea Panganiban, hindi rito nagtatapos ang kampanya laban sa iligal na droga matapos ang deklarasyon ng PDEA sa kanilang bayan bagkus ay lalo pang pag-iibayuhin ang pagtututok nito bilang Chairman ng Municipal Anti-Drugs Abused Council (MADAC).
Dagdag pa ni Mayor Panganiban, mula sa 59 barangay ay pawang 38 dito ay apektado sa kalakalan ng droga kaya’t mahigpit niya itong tinutukan nang maupo sa pwesto bilang alkalde ng bayan.
Ayon naman kay P/Maj. Francis Pattad, Hepe ng PNP Angadanan, ang mahigit sa dalawandaang (200) tokhang responder na nagtapos sa ilalim ng Community Based Rehabilitation Wellness Program (CBRWP) ay nananatiling nasa tuwid na landas dahil wala naman aniya silang nakuhang impormasyon na bumalik muli sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga ang mga nasabing tokhang responder.
Dagdag pa nito, pinasinayaan na ang bagong gusali na ‘Bahay Silangan’ para sa patuloy na pagbabagong buhay ng mga naligaw ng landas.
Kaugnay nito, pang pito (7) na ang Bayan ng Angadanan mula sa 34 na Bayan at 2 siyudad sa Lalawigan ng Isabela ang naideklara ng PDEA Region 2