Napanatili ng bayan ng Asingan ang nasa dalawamput isang barangay nito ang pagiging 100% Drug Cleared na pinatunayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan.
Natanggap ng bayan ang kanilang Retention of its Drug-Cleared Status mula sa PDEA Pangasinan dahil sa pagpapanatili nila bilang walang presensya o aktibidad ng iligal na droga sa nasa 21 na barangay nito nitong year 2022.
Ayon kay PDEA Provincial Officer Investigation Agent V Rechie Q. Camacho, nasa 90% na ng mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan ang drug cleared, mahigit isang daan dito ang hindi pa.
Mahigpit din ang paalala ng alkalde ng bayan ang publiko na maging mapagmatyag at magsumbong sa kinauukulan sa sinumang makitang kahina-hinalang tao o may aktibidad ng iligal na droga. |ifmnews
Facebook Comments