Malaya na sa sakit na African Swine Fever ang buong bayan ng Bacnotan, La Union batay sa opisyal na talaan ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1.
Dahil dito, nasa ilalim na ng Pink Zone Status ang buong bayan o buffer zone na malapit sa mga lugar na may positibong kaso ng African Swine Fever.
Nangangahulugan na patuloy ang pagpapatupad ng umiiral na biosecurity measures at mahigpit na surveillance upang maiwasan ang pagbalik ng sakit.
Positibo ang lokal na pamahalaan sa pagbuti pa ng kabuhayan ng hog raisers sa bayan at tiniyak ang kaligtasan ng mga produktong baboy na ibinebenta sa mga pampublikong pamilihan.
Matatandaan na kabilang ang Bacnotan sa mga bayan sa La Union na tinukoy na nasa ilalim ng red zone dahil sa positibong kaso ng ASF noong 2024. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









