Mayorya ng mga botante ang pumabor sa pagdedeklara sa bayan ng Baliwag sa Bulacan bilang isang component city.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco, 23,562 mula sa kabuuang 108,572 botante ang lumahok sa plebesito.
Sa nasabing bilang, 75.60% o 17,814 ang bumotong “yes” habang 24.19% o 5,701 ang “no.”
Ang Baliwag na ang ika-147 na lungsod sa Pilipinas at kahanay ng 109 na component cities sa bansa.
Ayon kay Laudiangco, dahil sa pagpapatibay sa Republic Act No. 11929 ay maisasakatuparan ng mga Baliwageño ang pangarap nilang patatagin ang pagkilala sa kanilang pag-unlad at umuusbong na ekonomiya.
Ang R.A. 11929 ay nag-lapse into law noong July 30, ay nagtatakda sa pagbabago ng munisipalidad ng Baliwag patungo sa pagiging isang component city.