Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Basey sa lalawigan ng Samar.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 13 kilometro sa hilagang kanluran ng Basey.
May lalim na 94 kilometro at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity IV sa Palo, Leyte habang intensity III naman sa Borongan City.
Sabi pa ng PHIVOLCS, asahan raw na magkaroon pa ng aftershock sa lugar pagkatapos ng may kalakasang pagyanig kanina.
Facebook Comments