BAYAN NG BAYAMBANG, KAUNA-UNAHANG DATA USER NG DSWD LISTAHANAN 3 SA REHIYON 1

Naibigay na sa bayan ng Bayambang ang listahan ng mga mahihirap na sambahayan mula sa National Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan sa Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng isang Data Sharing Agreement katuwang ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 1 nito lamang Miyerkules.
Tinatayang nasa 8,616 households o katumbas ng 50,374 na mga indibidwal ang natukoy na kabilang na mahihirap sa Listahanan sa nasabing bayan.
Layunin ng pagkakaroon ng datos na ito ay upang maisakatuparan ang mithiin ng LGU na makamit ang “zero poverty” sa bayan sa taong 2028 at upang makabuo ng iba’t ibat programa na angkop sa mga kabilang dito.

Ayon sa Bayambang Local Civil Registrar Head, Ismael Malicdem, Jr., malaking tulong aniya ang pagkakaroon ng listahanan ng Bayambangueño upang mas makabuo pa ng kongkretong proyekto, programa, at pamamaraan upang maiangat ang antas ng pamumuhay sa bayan.
Samantala, patuloy na magsasagawa ng paraan ang ahensya upang matuloy pa ang mga kabilang at pasok sa Listahanan na mga indibidwal sa bayan, maging sa buong bansa. |ifmnews
Facebook Comments