BAYAN NG BINALONAN, NAKIISA SA SELEBRASYON NG PHILIPPINE ENVIRONMENT MONTH NGAYONG HUNYO

Nagsama-sama ang mga bikers sa bayan ng Binalonan nitong June 19, 2023 sa paggunita ng bayan sa Philippine Environment Month ngayong buwan ng Hunyo: Ang Padyak sa Hangin Fun Bike Event na idinaos sa iba’t ibang Barangay sa Binalonan.
Nanguna rito ang LGU Binalonan na nilahukan din ng iba’t ibang biker groups gaya na lamang ng Team Hillroads at iba pang mga solo bikers.
Layunin ng fun bike event na ito na makabawas sa tinatawag na carbon footprint sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta bilang mode of transportation. Maliban dito, isa naring paraan ito ng ehersisyo para sa mas malusog na pangangatawan.

Samantala, isa rin sa isinusulong ng Philippine Environment Month ay ang pagbawas sa paggamit ng mga plastic materials para malabanan ang paglaki ng plastic pollution sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments