Bukas na para sa mga bibisita maging sa mga turista ang bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa inilabas na Executive Order No. 11 series of 2021 na nilagdaan ni Mayor Alfonso Celeste, required ang mga ito na magparehistro sa pangasinan.tarana.ph at mag-apply ng Travel QR code at i-register sa s-pass.ph. Dapat ding mai-apply ang Travel Coordination Permit o TCP. Required ang QR Code at TCP para sa mga bakasyunistang magtutungo sa bayan.
Lahat ng mga manggagaling sa NCR Plus, ay maaari na ring magtungo rito simula June 3, 2021 hanggang June 15, 2021 point to point without age restriction basta’t makapagpapakita ng negative RT-PCR or Antigen Test Result nang hindi lalagpas sa 72 hours bago ang kanilang pagbiyahe.
Samantala, ang LGU at Bolinao PNP ay magkasama sa pagpapatupad ng guidelines sa tourist sites sa bayan.