Pasado bilang drug-cleared municipality ang bayan ng Bolinao matapos ang wastong pagtalima sa mga regulasyon ng Dangerous Drugs Board ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Kasunod nito, iginawad ng tanggapan ang Balangay Excellence Award sa lokal na pamahalaan dahil sa puspusang pagpapatupad ng Barangay Drug-Clearing Programs.
Kasabay ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking ang pagkilala sa labing pitong drug-cleared na bayan sa buong Ilocos Region.
Puspusan din ang isinasagawang hakbang at operasyon ng mga law enforcement agencies upang masawata ang pagpasok at kalakalan ng illegal na droga sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









