BAYAN NG BUGEUY SA CAGAYAN, LALAHOK SA FOOD EXPO PRO SA BANSANG HONGKONG

CAUAYAN CITY – Ipinahayag ni Buguey, Cagayan Mayor Licerio Antiporda III na lalahok sa Food Expo Pro ang kanilang bayan na gaganapin sa darating na ika-14 hanggang ika-17 ng Agosto sa bansang Hongkong.

Dagdag pa nito na itatanghal nila sa Philippine booth ang dalawang seafood products na mangrove crab at malaga o rabbitfish.

Batay sa International Food Exhibition (IFEX) Philippines, kilala ang Buguey sa kanilang seafood practices kung saan ang kanilang lugar ay mayroon silang sakop na 24,000 hectares ng seawater, 422 hectares ng ilog, 1,091 heactares na mga fishpond, at mahigit 100 hectares ng mangroves.


Kamakailan din ay idineklara bilang Crab Capital of North Luzon ang naturang bayan.

Facebook Comments