BAYAN NG CALASIAO NA UMANO’Y DINAANAN NG BUHAWI NITONG MARTES, BINEBERIPIKA PA AYON SA MDRRMC CALASIAO

Malakas na hangin na sinabayan din ng malakas na ulan ang nanalasa sa bayan ng Calasiao nito lamang Martes, ika-25 ng Hulyo at nagresulta ito sa pagkabuwal ng mga puno, paglipad ng mga display ng ilang establisyemento, mga bubong ng paaralan at marami pang iba.
Dahil sa naranasang masamang panahon, marami ang nagsasabi o kumakalat na may dumaang buhawi sa naturang bayan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Calasiao LDRRMO II Kristine Joy Soriano, suspetsa anila sa nagdaang sakuna ay isang buhawi ngunit ito ay biniberipika pa lamang.
Dahil sa lawak aniya ng pinsala ay patuloy ang kanilang ginagawang monitoring, assessment, inspeksyon, pagberipika at balidasyon sa mga nadamay na ari-arian.
Ayon pa sa opisyal, mayroon na silang inisyal na datos sa mga households na na-damaged dahil sa bagyo, kung saan tatlong (3) kabahayan ang lubhang na-damaged, labing isang (11) kabahayan ang partially damaged at ito ay galing sa monitong at inspeksyon ng mga Barangay Officials at ng MSDWO.
Samantala, dagdag pa ng opisyal na wala pang mga naitatalang mga apektado ng pagbaha ngunit ilang mga barangay sa bayan ang nakapag-ipon ng tubig baha dahil sa ulan.
Dagdag pa ng opisyal, base sa Flood water monitoring system sa Marusay River ito ay nasa 5.7 feet above normal kung saan patuloy anilang binabantayan ang ilog na ito kahit nasa above normal pa lang at malayo pa sa kritikal na lebel ng tubig dahil sa mga tubig na magmumula sa upstream areas o ang posibilidad na pag-ulan ngayong araw.
Mahigpit namang nagpaalala ang opisyal sa mga Calasiaoneous na manatiling alerto sa lahat ng oras upang maging ligtas sa anumang sakuna. | ifmnews
Facebook Comments