Monday, January 19, 2026

Bayan ng Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang karagatan malapit sa Calatagan, Batangas.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 117 kilometers.

Naitala ang Intensity 2 sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro at Intensity 1 sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro, Calapan City, Oriental Mindoro; Magallanes, Carmona at Tagaytay City, Cavite at Abucay, Bataan.

Walang napinsalang imprastraktura at wala ring inaasahang aftershocks.

Facebook Comments