Muling niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang bayan ng Cataingan, lalawigan ng Masbate pasado alas-6:28 ngayong umaga.
Naitala ang pagyanig na sa 90 kilometers Silangang bahagi ng Cataingan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at 16 kilometers ang lalim nito.
Wala namang naitalang pinsala o nasakatan dahil sa aftershock.
Facebook Comments