Bayan ng Clarin sa probinsya ng Bohol – isinailalim na sa state of calamity

Bohol, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Clarin, Bohol.

Ayon kay Clarin Mayor Allen Piezas – 13 barangay ang apektado dahil sa patuloy na operasyon ng militar kontra Abu Sayyaf.

Sinabi naman ni Panglao Chief Of Police, Sr/Insp. Jomar Pomajeros – nadiskubre sa isang apartment ang mga pinaniniwalaang gamit sa paggawa ng bomba.


Dito tumira ang sinibak na si Supt. Maria Cristina Nobleza at kanyang kasintahang miyembro ng Abu Sayyaf na si Reener Lou Dongon.

Dahil dito, nagsasagawa na ng counter intelligence measures ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung mayroong miyembro ng militar ang nakikipag-sabwatan sa bandidong grupong Abu Sayyaf o iba pang grupo na kalaban ng estado.

Sa ngayon, wala pa aniya silang nakikitang anumang partisipasyon mula sa sinuman sa kanilang hanay na maihahalintulad sa kaso ni Supt. Nobleza.
DZXL558

Facebook Comments