Niyanig ng 3.7 magnitude na lindol ang isang bayan ng Ilocos Norte kaninang alas-6:00 ng umaga. Ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.
Batay sa tala ng PHIVOLCS, naramdaman ang epicentro ng pagyanig sa layong 78 kilometers ng silang bahagi ng bayan ng Currimao, lalawigan ng Ilocos Norte.
May lalim na 34 kilometers ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.
Ayon sa PHILVOLCS, wala namang naramdaman na mga intensity ang kalapit na mga bayang nito at wala ring inaasahang mga aftershock sa kabila ng malakas na pagyanig.
Wala ring nasugatan, nasaktan at nasirang mga ari-arian na dulot ng lindol.
Hindi naman naglabas ng tsunami warning alert ang PHILVOLCS kaugnay sa pagyanig.
Facebook Comments