Cauayan City – Opisyal ng idineklara bilang malaya sa insurhensiya ang bayan ng Dinapigue, Isabela kahapon ika-5 ng Agosto, alinsunod sa Resolution No. 2024-48.
Simula taong 2021 hanggang ngayong 2024 ay hindi na nakapagtala pa ng insidenteng may kaugnay sa komunistang grupo, kaya naman nito lamang buwan ng Abril ay isang Joint Resolution na pinagtibay ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Reynaldo Derije ang nabuo na nagsasaad ng rekomendasyon na maideklara bilang Insurgency Free Municipality ang Dinapigue.
Dumalo sa deklarasyon ang hanay ng kasundaluhan sa pangunguna ni PLTCOL Empizo Angalao, Battalion Commander ng 86th IB, Assistant Regional Director ng NICA R2 na si Jack Espiritu, OIC ng Dinapigue PS na si PMAJ Are-J Caraggayan, at mga kasapi ng Coast Guard at 205th Mobile Company.
Sinabi ni Vice Mayor Derije na sa pamamagitan ng deklarasyong ito ay mas magiging panatag ang kalooban ng mga mamamayan, at makapanghikayat ng mga indibidwal na mamumuhunan ng negosyo sa kanilang bayan.
Samantala, ika-4 na ang bayan ng Dinapigue sa mga Coastal Towns na pormal ng naideklara bilang Insurgency Free Municipality.