Bayan ng Divilacan Isabela,Handang Handa sa Pagdagsa ng mga Turista!

Divilacan, Isabela – Handang handa na ang bayan ng Divilacan sa pagdagsa ng mga turista ngayong summer vacation.Ito ang naging pahayag ni Police Senior Inspector Jonathan Ramos ang hepe ng PNP Divilacan sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya kasama ng kapulisan ang local officials sa paghahanda ng bayan para sa mga dadagsang bisita sa kabila na hindi pa bukas ang daan para sa mga four wheels na sasakyan.

Maaring makarating sa bayan ng Divilacan ang mga turista sa pamamagitan ng bangka o mag-eroplano.


Sinigurado pa ni Inspector Ramos na magiging ligtas ang sinumang makakapunta sa nasabing bayan basta sumunod lamang umano sa protocall na magpalista sa munisipyo at PNP bago mag-ikot o mamasyal sa nasabing lugar.

Kinakailangan din umano na makipag-koordinasyon sa tanggapan ng Department of Tourism sa Divilacan upang mabigyan ng tourist guide sa pamamasyan sa naturang bayan.

Facebook Comments