BAYAN NG ECHAGUE AT ALICIA, NAKATANGGAP NG LIBRENG BIGAS

CAUAYAN CITY – Ipinamahagi na ng Provincial Government of Isabela (PGI) ang buwanang bigas sa mga benepisyaryo mula sa bayan ng Echague at Alicia.

Umabot sa 5,991 ang kabuuan ng mga benepisyaryo mula sa nabanggit na bayan na binubuo ng mga barangay frontliners, PWD’s, mga mangingisda, at TODA members.

Ang naturang pamamahagi ay sa pamumuno ni Gobernador Rodito Albano III at ng kanyang bise gobernador na si Faustino “Bojie” Dy III.


Hangad ng nasabing programa na masigurong may sapat na kakaining bigas ang mga benepisyaryo at hakbang na rin ng PGI na malunasan ang usaping malnutrisyon sa buong lalawigan.

Facebook Comments