Cauayan City, Isabela- Muling sasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Bayan ng Echague matapos makapagtala ng panibagong kumpirmadong kaso ng coronavirus.
Sa kanyang facebook live, sinabi ni Mayor Francis Faustino ‘Kiko’ Dy na kasalukuyan ang kanilang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.
Ayon kay Dy, mananatili sa isang beses kada linggo ang pagbili ng mga basic necessities ng mga residente habang hihigpitan naman ang pagsuri sa mga travel pass na gagamitin ng mga Echagueños.
Maliban dito,nagpatupad muli ng liquor ban ang bayan habang ibabalik ang oras na alas 8:00 ng gabi na curfew hours para maiwasan ang palagiang paglabas ng mga residente.
Ipinag-utos na rin ng alkalde sa mga barangay officials ang pagbabalik sa checkpoint sa bawat barangay para masigurong maiiwasan ang paglabas ng mga residente.