Bayan ng Echague, Target na Masungkit muli ang Seal of Good Local Governance!

*Cauayan City, Isabela- *Inaasahan ng bayan ng Echague na muling makuha ang Seal of Good Local Governance o SGLG matapos ang pagsusuri sa ginawang ebalwasyon mula sa National Office ng Department of Interior and Local Government o DILG validation team.

Mula sa national validator’s ay nakita at nasuri ang magandang pagseserbisyo na ibinibigay ng pamahalaang lokal ng Echague sa mga mamayan kung kayat maaaring mapabilang sila sa hall of famer na mabibigyan ng parangal.

Sa panayam ng 98 5 iFM Cauayan kay Mayor Francis ‘Kiko’ Dy ay naniniwala ito na masusungkit muli ng kanyang pinamumunuang bayan ang ikatlong pagkakataon sa naturang parangal.


Nasuri umano ng national validator’s team na nasa tama at balanseng paggastos sa kaban ng bayan, maayos na pagpapatupad ng peace and order kung saan ay nakamit ng Echague ang ‘Best Municipal Police Station’ sa buong bansa, pagsasagawa o kahandaan sa rescue operation ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC lalo sa panahon ng kalamidad at iba pang serbisyo para sa mamamayan ng Echague.

Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si Mayor Dy sa kanyang kababayan dahil sa patuloy na pakikiisa para maihataid ang magandang serbisyo sa mamamayan ng Echague.

Facebook Comments