Cauayan City, Isabela- Isinailalim na rin sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang bayan ng Enrile sa lalawigan ng Cagayan sa loob ng 14-araw.
Ito ay batay sa ipinalabas na executive order no. 10-050 na dinesisyunan ng Regional-IATF at nilagdaan ni Mayor Miguel Decena Jr.
Batay sa guidelines na inilabas, lilimitahan ang paglabas ng mga residente lalo na sa pagbili ng kanilang mga basic necessities habang iiral pa rin ang ipepresentang COVID Control Pass maliban nalang sa mga may mga IDs na kikilalanin ng mga otoridad.
Mananatili naman ang operasyon ng mga establisyimentong may kaugnayan sa essential goods maging ang mga establisyimentong pinagkukunan ng pangangailangan ng mga residente para sa kanilang panggastos sa araw-araw.
Maliban dito, iiral ang pagpapatupad ng liquor ban sa buong bayan habang umiiral ang quarantine.
Tatagal ang MECQ simula October 7 hanggang October 20 ng hatinggabi.
Patuloy naman ang paghikayat sa publiko na ugaliin ang pagsunod sa standard health protocol.
Sa ngayon ay nasa 32 ang aktibong kaso ng COVID-19 habang 1 ang naitalang namatay may kaugnayan sa virus.