Gamu, Isabela– Inaasahan na magiging payapa ang gaganaping 2019 midterm elections sa bayan ng Gamu, Isabela.
Ito ang inihayag ni Police Senior Inspector Rey Lopez, Hepe ng PNP Gamu sa personal na panayam ng RMN Cauayan sa kanya sa programang Sentro Serbisyo.
Aniya, patuloy ang kanilang pagbabantay sa kanilang nasasakupan upang tiyakin ang seguridad ng mga residente lalo na ngayong nalalapit na halalan.
Kaugnay nito, patuloy rin ang kanilang isinasagawang kampanya kontra droga at pagtutok sa mga drug surenderee upang matiyak na hindi na bumabalik sa paggamit at pagtutulak ng droga.
Nasa 159 naman ang kabuuang tokhang responder ng bayan ng Gamu habang ang ilan sa kanila ay nakapagtapos na rin ng kanilang Community Based Rehabilitation Program (CBRP).
Naglatag rin ng mga programa ang PNP Gamu katuwang ang mga BADAC Members para sa mga tokhang responders upang maturuan ang mga ito sa mga gawaing pangkabuhayan.
Samantala, marami na rin ang mga naisukong baril sa kanilang himpilan simula nang maipatupad ang Oplan Katok sa kanilang nasasakupan.