Bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Naramdaman ang lakas na magnitude 5.4 na lindol sa bayan ng Governor Generoso lalawigan ng Davao Oriental kaninang umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na monitor ang episentro ng lindol sa layong 37 kilometers East sa nasabing bayan.

Nangyari ang pagyanig pasado alas-8:09 ng umaga ngayong araw kung saan may lalim ito na 42 kilometers at tectonic ang pinagmula nito.


Naitala ang intensity V sa Governor Generoso, Davao Oriental, intensity IV sa Mati City, Davao Oriental, intensity III sa Tampakan at Tupi, South Cotabato, intensity II sa Davao City; General Santos City; Kidapawan City; Kiamba, Sarangani at intensity I sa Arakan, Cotabato.

Nakapagtala rin ng instrumental intensities ang PHIVOLCS kung saan ang instrumental intensity II ay naramdaman sa General Santos City; Kidapawan City; Kiamba, Sarangani.

Pinag-iingat ng PHIVOLCS ang publiko dahil magdudulot ng aftershock ang nasabing pagyanig.

Sinabi rin ng ahensya na may nasakatan o nasugatan at nasirang mga ari-arian ang nasabing pagyanig.

Facebook Comments