Bayan ng Jones, Category 3 sa Election Watch List!

31

Ilagan City, Isabela – Idineklarang nasa category 3 sa election watch list ang bayan ng Jones ngayong taon sa gaganaping SK at Barangay Election.

Nabanggit ang mga bayan na nakasama sa category 1 hanggang 3 sa election watch list sa isinagawang Provincial Joint Security Coordination Center o PJSCC.

Ayon kay Police Senior Inspector Rex Pascua, hepe ng PNP Jones na ang pagkakasali ng Jones sa category 3 sa election watch list area ay dahil sa mga naitalang insidente ng pamamaril na may kinalaman sa halalan noong 2016 elections kung saan ay may nasawi dito.

Ipinaliwanag ni Pascua na hindi umano ibig sabihin na nasa category 3 na nasa watch list ay magulo na ang kanilang bayan kundi nasa watch list lamang ito at hindi masasabing hot spot.

Naniniwala si PSI Pascua na ang bayan ng Jones ay tahanang sumusuno sa alituntunin, matiwasay, may kaayusan at may mapag-mahal na residente

Samantala, naideklara naman ang mga bayan ng Echague, Gamu, Naguillian, San Pablo Isabela sa Election Watch List area.

Facebook Comments