Bayan ng Jones Isabela, Naging Maayos sa Panahon ng Bagyong Rosita at Undas!

19

Jones, Isabel – Kinumpirma ni Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station na naging maayos umano ang bayan ng Jones, Isabela sa pananalasa ng bagyong rosita at sa nagdaang undas.

Aniya, may mga nasirang infrastructure at mga pananim ng mga magsasaka sa Jones ngunit hindi naman umano gaanong malala kumpara sa ibang bayan dito sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Pascua na zero casualty ang Jones kung saan ay tanging mga naanod na mga hayop na maaring mula sa lalawigan ng Quirino ang bumalandra sa naturang bayan.

Naging maayos at tahimik din umano ang bayan ng Jones sa panahon ng undas dahil sa wala naman umanong naitalang pangyayari sa naturang bayan.

Kaugnay nito, tanging centro ng Jones ang mayroong suplay ng koryente ngunit umaasa ang nasabing opisyal na magkakaroon ng daloy ng kuryente sa mga susunod na araw.

Facebook Comments