Bayan ng Jones, Nasa Watch List Kaugnay Sa Barangay-SK Election!

Jones, Isabela – Nilinaw ni Police Senior Inspector Rex Pascua na nasa watch list lamang ang bayan ng Jones kaugnay sa nalalapit na Barangay at SK Election.

Sinabi pa ni PSI Pascua na binabantayan lamang ng kapulisan ang bayang nasasakupan nito dahil sa presensya umano ng political rivalry.

Paliwanag pa ni Inspector Pascua na nasa category level number 3 ang Jones dahil sa naging basehan dito ay sa nakalipas na eleksyon kung saan may apat na kasong election related violence.


Subalit sa kasalukuyan umano ay tahimik ang bayan ng Jones at walang naitatalang lumabag sa omnibus election code.

Nasa category level 2 ang bayan ng San Mariano at San Pablo samantalang category level one ang mga bayan ng Echague, Benito Soliven, Gamu at Sto Tomas.

Facebook Comments